^

Police Metro

Binata inakalang kaaway, pinatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na binata ang nasawi nang ito ay malapitang barilin ng suspek kahapon ng madaling araw sa Don Bosco, Tondo, Maynila.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanang bahagi ng torso ay nakilalang si Jennaro Calinawan, store helper, ng no. 106 JV Paz Compound sa nasabing lugar.

Agad namang naaresto ang suspek na si Von Ryan Hernandez, alyas “Bon-bon”, pahinante,ng no. 106 JV Paz Compound.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong ala-12:15 ng madaling araw noong Sabado sa eskinita sa JV Paz Compound, sakop ng Barangay 123, Zone 9, District 1.

Pero, bago ang krimen ay nakasuntukan umano ng suspek ang isang alyas “Jerome” na kung saan ay natalo ito at umuwi ng bahay.

Muli itong bumalik sa lugar na armado ng sumpak at galit na galit na naghahanap sa nakaaway hanggang sa sumugod sa grupo ng biktima at binaril ito sa katawan.

Ayon sa saksi, nagulat sila nang sumusugod ang suspek at barilin ang biktima gayung hindi naman ito ang kanyang naging kaaway.

vuukle comment

JENNARO CALINAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with