Dalawa na-suffocate sa water tank
Gemma Garcia (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas ng buhay ang dalawang lalaki nang ma-suffocate ang mga ito habang naglilinis sa loob ng water tank, kamakalawa sa San Juan, Batangas.

Ang mga nasawi ay kinilalang si Pastor Joel Ramos, 47; at inaanak na si Jose Almarez, 43.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga ay pumasok ang dalawa sa loob ng tangke ng tubig na nasa 10-12 talampakan ang lalim para linisin at pinturahan.

Habang nililinis ang tangke gamit ang isang uri ng kemikal ay bigla na lamang kinapos ng hininga ang dalawa na walang suot na mask hanggang sa mawalan ng malay tao at nasawi.

Hinihintay ng pulisya ang resulta ng autopsy report sa insidente.

JOEL RAMOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with