2 bagong panukalang batas inihain ni Sen. Bong Go
(Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkasunod na inihain ni Senator Bong Go ang dalawang bagong panukalang batas sa Senado sa loob lang ng isang linggo.

Ito ay ang pagbibigay ng mga dagdag benepisyo at suweldo sa mga Barangay Health Workers (BHW) at ang pagbibigay proteksyon at ibayong suporta  sa mga nursing profession sa bansa.

Sa Senate Bill No. 392, na kikilalanin bilang Barangay Health Workers Act of 2019 kapag naaprubahan na, mabibigyan na ng suweldo ang mga health workers sa barangay katumbas ng P11,068 kada buwan at mga benepisyo at kasiguruhan na hindi sila basta masibak sa trabaho.

Anya, napapanahon na ang BHW naman ang dapat ay alagaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at mga benepisyo sa kanila.

Ang ikalawang inihain ni Go na Senate Bill 395, na kikilalanin bilang Advance Nursing Education Act of 2019, ay mag-aamyenda sa Philippine Nursing Act of 2002.

Sa nasabing panukalang batas ay bibigyan ng proteksyon at iaangat pa ang nursing profession sa pamamagitan ng makabuluhang edukasyon hinggil sa naturang propesyon, maayos at makataong working conditions at mas magandang career opportunities para sa mga nurses sa sariling bayan.

BONG GO SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with