2 drug pusher tiklo sa P200K shabu
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang naaresto ng mga otoridad nang salakayin ang kanilang pinagtataguan sa Taguig City at nakumpiska ang nasa P200,000 halaga ng shabu, kamakalawa.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Maribel Cornillez at Wilson Oroso, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa South Daang Hari, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon nang salakayin ng mga tauhan ng Police Community Precinct 3 at Station Drug Enforcement Unit ang tinutuluyang bahay ng mga suspek upang magsagawa ng search warrant na inilabas ni Vice Executive Judge Antonio Olivete ng Taguig Regional Trial Court Branch 267.

Sa paghahalungkat ng mga otoridad ay nadiskubre ang 13 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 29.2 gramo at nagkakahalaga ng P198,560; isang shoulder bag na may  lamang droga, isang timbangan na hinihinalang ginagamit ng mga suspek sa pagre-repack ng droga, isang pack ng mga walang laman na plastic sachet, gunting at lighter.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with