^

Police Metro

Lolo inatake sa puso sa Pacquiao fight

Mer Layson - Pang-masa
Lolo inatake sa puso sa Pacquiao fight
Tuwang-tuwa ang mga nanonood sa naging laban kahapon nina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa libreng palabas sa Delpan Sports Complex, Tondo, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 68-anyos na lolo matapos atakehin sa puso habang nanonood ng live telecast ng laban ni Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman  sa isang covered court sa Brgy. Sto.Niño, Marikina City, kahapon.

Ang nasawi ay nakilalang si Salvador Abay, ng #60 Aratiles Street, Paradise, Barangay Ma­landay, Marikina City.

Sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-12:10 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Manotoc Covered Court na matatagpuan sa Estaquio Street, Barangay Sto. Niño.

Nasa kasagsagan umano ng panonood ang biktima ng live telecast ng laban nang bigla na lang itong mawalan ng ulirat at tuluyang bumagsak sa lapag.

Ilang saksi ang nakakita na tuwang-tuwa umano ang biktima at napapasigaw pa sa tuwing natatamaan ng suntok ni Pacman si Thurman.

Hinala ng pulisya na sobrang excitement o tuwa ang posibleng na­ging dahilan ng atake nito sa puso.

Umaasa ngayon ang pamilya ng biktima na dadalaw si Pacman sa burol ng matandang fans nito sa oras na bumalik ito sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with