^

Police Metro

Nene, 10, ginahasa ng kontak sa Facebook

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Belgian ang ­inaresto ng mga awtoridad matapos na akusahang ilang ulit na gumahasa sa isang 10-taong gulang na batang babae na kinontak lamang ng suspek sa Facebook at ginawa umano nitong sex slave ang biktima sa loob ng apat na araw kapalit ng regalo sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, P/BGen Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Tony Delcart, 51, residente ng 123 Villareal, Gulod, Novaliches.

 Si Delcart ay inaresto ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4), sa ilalim ng pamumuno ni P/LtCol Rossel Cejas, dakong alas-6:00 ng gabi sa 216 Gen. Luis St., Brgy. Nova Proper matapos na ireklamo ng rape ng ina ng biktima na ‘di na pina­ngalanan.

 Sa reklamo, nabatid na Hulyo 14, 2019 nang kontakin umano ng suspek ang biktima, sa pamamagitan ng Facebook Messenger at hinikayat na magtungo sa inuupahan nitong stall na nasa tabi lamang ng bahay ng biktima at inalok na bibigyan ng mga regalo.

 Natukso naman ang biktima na magtungo sa stall ng suspek ngunit dito na umano siya ilang ulit na ginahasa ng suspek mula Hulyo 14 hanggang 17.

 Nalaman lamang ng ina ng biktima ang sinapit ng anak nang buksan nito ang social media account ng anak at makita ang palitan ng mensahe ng mga ito.

Kaagad na humingi ng tulong mula sa mga awtoridad ang ginang na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na itinurn-over na sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD para sampahan ng kasong rape sa City Prosecutor’s Office.

 Pinuri naman ni Esquivel ang kanyang mga tauhan dahil sa mabilis na pagresponde sa insidente na nagresulta sa agarang pagkaaresto sa suspek.

 Hinikayat din niya ang mga magulang na maging mapag-obserba sa mga aktibidad ng kanilang mga anak upang matiyak na hindi mapapariwara ang mga ito.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with