^

Police Metro

Driver naipit sa 2 sasakyan, utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver nang maipit sa dalawang sasakyan habang papalabas sa compound ng isang carwash shop sa Brgy. Oranbo, Pasig City kamakalawa.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon sa loob ng compound ng carwash at junk shop na matatagpuan sa Cpt. Henry Javier, sa Brgy. Oranbo na nagresulta sa pagkamatay ng biktimang si Richard Adonis, 38, na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan. 

 Nauna rito, nakaparada sa loob ng compound ng carwash ang Mitsubishi Mirage (AAZ-1661), na pagma-may-ari ni Alfredo Villajuan, 53, paharap sa silangang direksiyon at kina-carwash, habang nakaparada rin naman sa sidewalk ng Cpt. Henry Javier Street, ang Ford Everest na may conduction sticker na C1 R584, na pagma-may-ari naman ni Frances Marie Saculo, 38, paharap naman sa northeast direction.

 Sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang umanong umusad ang Ford Everest patungo sa nakaparadang Mitsubishi Mirage.

Nagkataon namang sakay ng kanyang Suzuki GS 125 na tricycle (EP 7027) ang biktima at papalabas sana ng compound kaya nahagip at makaladkad ito ng umuusad na Ford Everest bago ito tuluyang bumangga sa nakaparadang Mitsubishi Mirage.

Naipit sa dalawang sasakyan ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito. 

Si Saculo ay nasa kustodiya na ng mga pulis at sinampahan na ng kasong reckless imprudence resul­ting in homicide and damage to property.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with