^

Police Metro

Free viewing sa Pacquiao vs Thurman

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Win or loose, ipagmamalaki ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si boxing icon at Senador ­Manny “Pacman” Pacquiao sa laban nito kay undefeated boxer Keith Thurman, Sabado ng gabi sa MGM Arena sa  Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos  (Linggo ng umaga sa Pilipinas).

Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr., na, bilang isang mahusay na boksingero, ay ipinagmamalaki nila ang naiambag ng pambansang kamao sa larangan ng palakasan ng bansa lalo pa at si Pacman ay isang Lt. Colonel na reservist ng Philippine Army.

Ang AFP at Philippine National Police  ay magkakaloob ng free viewing sa laban ni Pacman at Thurman para sa mga sundalo pulis at kanilang mga dependents.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato na ang free live screening sa laban ng dalawang mahusay na boksingero ay gaganapin sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ang venue ay gaganapin sa Security Escort Group Mess Hall at AFP Commissioned Officers Club (AFPCOC).

Naglaan din ang Philippine Army ng tatlong venue sa live screening sa Ricarte Hall ng Army Clubhouse, Multi-Purpose Hall ng Army Hospital at Army Wellness Center.

 Ang AFP Medical Center ay magkakaloob din ng free viewing sa auditorium para sa mga combat hero o mga sugatang sundalo na nagpapagaling sa nasabing pagamutan.

Sa Philippine Air Force ay gaganapin naman ang free viewing sa Villamor Air Base at iba pang mga base nito sa bansa.

Sa Camp Crame, inutos ni Philippine National Police Chief Police General Oscar Albayalde ang free viewing para sa mga pulis at kanilang mga dependents sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame.

Nabatid na ang free viewing ay magsisimula sa ganap na alas-8 ng umaga sa mga piling kampo ng militar at pulisya sa kapuluan.

vuukle comment

KEITH THURMAN

MANNY “PACMAN” PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with