^

Police Metro

Mag-asawang negosyante nasagip... 2 kidnaper todas sa pulisya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaking kapwa hinihinalang kidnapper habang nailigtas naman ng mga awtoridad ang mag-asawang negos­yante na sinasabing unang kinidnap ng mga ito sa isang engkwentro na naganap sa Antipolo City kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng Antipolo City Police ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek na itinuturong kabilang sa apat na lalaki na dumukot sa mga biktimang sina Henry Alfonso, 52, at Florida Alfonso, 55, kapwa residente ng Lot 415, Block 4, Sta. Cecilia, Mission Hills Subd., Brgy. San Roque, Antipolo City.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang pulisya, na may mga indibidwal na dinukot ng apat na armadong lalaki dakong alas-11:45 ng hatinggabi ng Biyernes, sa La Veranda, Sumulong Highway, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Sakay umano ang mga biktima ng isang silver na Honda CRV na may plakang NBC-2943 at patungong Antipolo City Proper nang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang harangin ng mga suspek na armado ng ‘di batid na kalibre ng mga armas.

Sapilitang isinakay ng mga suspek ang mga biktima sa kanilang kulay gray at puting van at saka humarurot patungong area ng Baras, Rizal.

Mabilis namang nag­latag ng checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng Antipolo City Police, PNP-Anti-Kidnapping Group at Highway Patrol Group, sa Brgy. Inarawan, Antipolo City.

Pagsapit ng alas-3:15 ng madaling araw ay namataan ng mga pulis ang sasakyan ng mga suspek kaya pinara ito.

Gayunman, kaagad na umano silang pinaputukan ng mga suspek habang tinatangkang tumakas.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa sa mga suspek ngunit nakatakas ang dalawang iba pa.

Nasagip naman ng mga awtoridad ang mga biktima, na nasa maayos namang kalagayan matapos na iwanan ng mga suspek sa kanilang van. 

vuukle comment

KINDAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with