^

Police Metro

Speakership ni Cayetano namimiligro

Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng hindi umano makamit ni Taguig Rep.Alan Peter Cayetano ang pangarap nitong susunod na maging House Speaker dahil sa kabi-kabilang kontrobersiyang kinasasangkutan nito partikular ang isyu ng korapsyon sa 2019 Southeast Asian Games at ang mungkahing palawigin ang termino ng mga kongresista. 

Ito ang inihayag ng political analyst na si Dr. Paul Martinez ng RP-Mission and Development Foundation Inc. at mawawala umano ang kompiyansa ng mga ito kay Cayetano dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa overpriced hosting ng 30th SEA Games nang iupo niya ang apat na malalapit na kaibigan bilang board of directors ng Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee Foundation Inc. (PHISGOC).

Si Cayetano, bilang chairman ng PHISGOC ay inupo ang kanyang kababata at kaeskwela na si Donaldo Caringal; PE teacher na si Ramon Suzara; family friend Monica Ann Mitra; at Dexter Estacio, graphic artist niya sa Taguig City Hall na isa umanong uri ng conflict of interest.

Pinuna rin ng mambabatas si Cayetano sa panukala nitong pahabain ang termino ng mga mambabatas sa 4 taon nang walang term limits mula sa 3 taon, o di kaya’y 5 taon na may limit na termino, na aniya’y isang makasariling panukala at “self-serving form of legislation.”

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with