Expiration sa prepaid load credits pinatatanggal
MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang isinusulong sa Senado na naglalayong tanggalin ang expiration period sa mga prepaid load credits.
Sa Senate Bill No. 365 na inihain ni Senator Sherwin Gachalian na tatawaging Prepaid Forever Act of 2019, sinabi nito na bawat piso na ginagastos ng mga consumers ay dapat mapakibangan.
Makikinabang sa panukalang batas ang nasa 142,432,163 prepaid subscribers - o 96.6% ng kabuuang mobile subscribers sa bansa.
Kapag naging batas, lahat ng Public Telecommunications Entities (PTEs) at Information and Communications Technology (ICT) providers ay pagbabawalan na maglagay ng expiration period sa validity ng mga prepaid load credits.
Sakop ng panukala ang lahat ng denominations ng prepaid load credits na binili sa pamamagitan ng prepaid card o prepaid load.
Anya, hindi lamang sa mga call at text credits tatanggalin ang expiration date kung hindi maging sa iba pang loaded devices na ginagamit sa iba pang uri ng telecommunications services katulad ng tablets, Wi-Fi dongles, o mobile hotspots.Sakop din ang mga pasa load o “shared prepaid load credits.”
- Latest