^

Police Metro

5 pulis itinumba

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

Sa Negros Oriental at Malabon City...

MANILA, Philippines — Limang pulis ang napatay sa magkahiwalay na ambush na kagagawan ng mga NPA rebels sa Brgy. Mabato, Ayungon, Negros Oriental, kahapon at isa ay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Negros Oriental Police, dakong alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng highway ng Sitio Yamot ng lalawigan.

Kasalukuyang lulan ng kulay puting Badja at isang kulay itim na Badja at pulang XRM motorsiklo ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong rebelde malapit sa bahay ng isang Oto Anadon sa nasabing lugar.

Nasawi ang apat na biktima na pawang natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ang mga pa­ngalan ng mga pulis dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Sa Malabon City, patay din ang pulis na si P/SSgt.Orland “Lucky Boy” De Leon na nakatalaga sa Malabon City Police-Drug Enforcement Unit at residente ng Caloocan City.

Sa ulat, dakong alas-6:11 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang Araneta Avenue, Brgy. Potrero nang harangin ng suspek na nakamotor at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Kahit na nakabulagta na sa kalsada ang pulis ay nilapitan pa ito ng suspek at muling binaril para tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa. Isa sa tinututukang anggulo ng pulisya ang posibleng kaugnayan ng biktima sa kampanya kontra ilegal na droga.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with