Cayetano angat sa Speakership-survey
(Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas maraming Filipino ang gusto na si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang susunod na maging House Speaker batay sa resulta ng Pulse Asia survey noong Marso 23-27 at Hunyo 24-30 na malayong malayo sa iba pang nais na maging Speaker.

Sa survey noong Marso, 44 porsiyento ang bumoto para sa dating Senador. Kasunod niya sa listahan sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, 16 porsiyento; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 12 porsiyento; Rep. Martin Romualdez, 5 porsiyento; at Rep. Lord Allan Velasco, 1 porsiyento.

Sa survey nitong Hunyo, lumaki pa ang suporta kay Cayetano sa 65% ng mga Pilipino. Nasa 52% ang lamang niya sa pinakamalapit niyang kalaban tulad     ni Alvarez, 13%; Romualdez, 8%; at Velasco,6%. Ang iba ay nakakuha ng 0.1 percent lamang.

Ang resulta ng mga survey ay nakabase sa pana­yam sa 1,200 representative adults edad 18 pataas.

Ang mga ito ay may +-2.8 porsiyentong error margin at 95 porsiyentong confidence level.

Sa larangan ng kakayahan at karanasan, naka-aangat din si Cayetano laban sa iba pang naghahangad maging Speaker.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with