Sa ulat, bandang alas-6:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Team ng San Pablo City at Phi-lippine Drug Enforcement Agency 4 A laban sa mga suspek
YouTube/Sandara2000, screenshot
Ex-Sex Bomb dancer, 2 pa timbog sa droga
Joy Cantos (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng Sex Bomb dancer at dalawang iba pa ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Nicolas, San Pablo City, Laguna.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Sheena Joana Uypico, 34, dalaga, ex-Sex Bomb dancer; Melrose Roño Uypico, 32; at Elmer Señoreses, 40, binata, ng Brgy II-D, San Pablo City, Laguna.

Sa ulat, bandang alas-6:45 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Team (DET) ng San Pablo City at Phi-lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4 A laban sa mga suspek

Agad inaresto ang mga ito sa aktong inia­a­bot ng isa sa mga ito ang droga sa isang undercover agent ng mga otoridad.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu na tinata-yang nagkakahalaga ng P40,000.00, cellphone, isang unit ng kotse na ginamit sa pagdeliber ng shabu at P4,000.00 cash na hinihinalang pinagbentahan ng mga ito sa droga.

Ang tatlong suspek ay dinala sa Provincial Crime Laborato­ry Office sa Camp Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna para sa eksaminasyon kung gumagamit ang mga ito ng droga.

SHEENA JOANA UYPICO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with