^

Police Metro

Pinoy, 8 Chinese arestado sa kidnapping

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pinoy, 8 Chinese arestado sa kidnapping
Iprinisinta ng National Bureau of Investigation sa media ang 8 Chinese national na sina Ben Tan; Haitao Wang; Dechun Qin; Yong Fei Chan; Xiao Qiang Yang; Dong Zheng Wen; Beijun Lin; Jun Wang at Pinoy na si Jomar Demadante na na­aresto sa pagkidnap at illegal detention sa kapwa nila Chinese.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Walong Chinese at isang Pilipino ang ina­resto ng mga tauhan ng Na­tional Bureau of Inves­tigation (NBI) dahil sa pagdukot umano ng mga Tsino sa casino sa Parañaque City.

Kinilala ang Pinoy na si Jomar Demadante, at mga Chinese national na sina: Ben Tan; Haitao Wang; Dechun Qin; Yong Fei Chan; Xiao Qiang Yang; Dong Zheng Wen; Beijun Lin; at Jun Wang.

Sa ulat ng NBI, nakatanggap sila ng reklamo mula sa ilang Chinese national, kabilang ang asawa ng isa sa mga biktima na sapilitang tinangay ng hindi pa kilalang mga suspek.

Ayon sa asawa ng biktima, tinangay ang kanyang mister mula sa isang kilalang hotel and casino complex sa Parañaque at dinala sa isang bahay sa Las Piñas City.

Ayon kay Assistant Director for Intelligence Service Eric Distor, pawang mga player sa casino ang 8 biktima na nadiskubreng talo sa paglalaro at pinautang ng mga suspek kapalit ng doble o tripleng interest.

Base sa kanilang imbes­tigasyon, inutusan umano ng mga suspek ang mga biktima na tawagan ang kanilang mga kaanak at hinihingan ng P2-milyon para sa kanilang kalayaan.

Nagawang makatawag ng isa sa mga biktima sa kanyang pinsan sa China na nagpadala ng P500,000.

Pero, hindi umano agad pinalaya ang biktima hanggang sa hindi pa nakukumpleto ang kabuuang ha­laga na hinihingi ng mga suspek.

Pinatawag ulit ng mga suspek ang biktima sa ka­anak nito kaya dito na na­kagawa ng paraan ang bik­tima na ipadala sa kanyang misis ang kanyang lokasyon sa pamamagitan ng GPS.

Ayon sa NBI, ang Pinoy ang nagsisilbing bantay ng bahay na nagsilbing safehouse ng mga suspek.Narekober mula sa Pinoy na suspek ang isang baril.

Ang mga suspek ay kinasuhan na ng kid­napping, serious illegal detention at paglabag sa illegal firearms.

vuukle comment

NA­TIONAL BUREAU OF INVES­TIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with