^

Police Metro

Tumakbong mayor inutas ng nakamotor

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki na tumakbong mayor pero natalo nitong nagdaang eleksiyon matapos na pagbabarilin kamakalawa ng umaga ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa national highway na sakop ng Barangay Didtaras, Lambayong, Sultan Kudarat.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Edgar Lucero, 53, may-asawa ng Barangay Namnama ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ­angkas ang dalawang anak nang pagbabarilin ng mga suspek.

Ang biktima ay tinamaan ng bala sa mukha at ulo habang masu­werteng hindi natamaan ang dalawang anak maliban sa galos nang matumba ang kanilang motorsiklo.

Nabatid na bago ang pamamaslang sa biktima ay matagal na itong nakakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.

vuukle comment

EDGAR LUCERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with