^

Police Metro

Lalaki na umawat sa away, napatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 33-anyos na lalaki ang namatay nang masaksak sa ginawa nitong pag-awat sa away ng kanyang mga kapitbahay ngunit sa kanya nabunton ang galit ng magkapatid na suspek naganap, kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa mga tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Edgardo Reyes, jobless, ng Camachile St., Golden Acres, Brgy. Talon Uno.

Isinugod naman sa Las Piñas District Hospital ang isa sa mga suspek na si Jomar Dumawal, 30, dahil sa tinamong tama ng saksak sa tiyan habang nakakatakas ang kanyang kuya Armando, 43.

Sa ulat, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang marinig ng biktima ang kaguluhan sa labas ng bahay at nakita nito ang matinding pag-aaway ng magkapatid na Dumawal na galing sa inuman sa isang alyas Badong at awatin sila ni Reyes.

Napagbalingan ng galit ng magkapatid na Dumawal si Reyes na kanilang hinabol matapos may mag-abot sa kanila ng itak. Nadapa umano ang biktima at doon pinagsasaksak ng mga Dumawal sa dibdib, kamay at likuran.

Inaalam pa kung kanino galing ang mga saksak at posibleng makasuhan ang magkapatid ng murder na ayon sa barangay ay may record na laging nakikipag-away.

Tumanggi namang humarap sa barangay at mga pulis ang nakaaway ng mag kapatid na si alyas Badong.

vuukle comment

EDGARDO REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with