Rep. Romero,101 agad ang panukalang batas
Joy Cantos (Pang-masa) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muli umanong hinangaan si 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero nang ito ay magsumite ng 101 panukalang batas sa pagbubukas ng 18th Congress noong nakaraang linggo.

Ilan sa mahahalagang panukala nito noon na ngayon ay ganap na batas ay ang R.A. 11203 o “Rice Tariffication Act”; R.A. 11213 o “Tax Amnesty Law”; R.A. 11214 or “Philippine Sports Training Center Act”; R.A.11223 or “Universal Health Care Act”; at R.A. 11310 o “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act” na naging mala­king tulong para sa mamamayan at bansa.

Si Romero ay isa rin sa tinuturing na pinakamasipag na mambabatas sa nakalipas na 17th Congress bukod pa sa isa sa pinakamaraming tulong ang nagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng “Iskolar Kami ni Cong. Mikee Romero” na kung saan 12,000 estudyante ang nabigyan ng tulong edukasyon, “Give a Heart” na nakapagpaopera ng mga batang may depekto sa puso sa Philippine Children’s Hospital at nakapagkaloob ng feeding program sa halos 20,000 na mga bata.

Si Romero ay nanguna noong nakalipas na 17th Congress sa pamamagitan ng pagsumite ng 500 panukalang batas at resolusyon na ang 10 porsyento ng kabuuang bilang (250) ng mga nalagdaang batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay siya ang may akda.

18TH CONGRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with