52 katao nasugatan sa Surigao earthquake
Joy Cantos (Pang-masa) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa 52 katao ang nasugatan sa pagtama ng 5.5 magnitude na lindol habang nasa 206 namang pamilya o kabuuang 826 katao ang naapektuhan sa siyam na barangay sa Carrascal, Surigao del Sur, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Ito ang inihayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad base sa pinakahuling update na nakalap ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Jalad, ang Surigao-Davao coastal road K1229, 950, Sitio Nocot, Brgy. Saca, Carrascal, Surigao del Sur ay maari lamang madaanan ng maliliit na behikulo dahilan sa mga bumagsak na electrical post at mga nakalaylay na cable wire.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng mga napinsalang imprastraktura at bahay sa mga bayan ng Carmen, Cantillan, Madrid, Carrascal at Lanuza habang napinsala rin ang linya ng tubig sa pamilihang bayan, Brgy. Cancayan at Brgy. Hall.

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with