Task Force on Solid Waste Collection, binuo ni Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Upang maging mas maayos at komprehensibo ang solid waste collection plan sa lungsod ng Quezon, binuo ni Mayor Joy Belmonte ang Task Force on Solid Waste Collection, Cleaning, and Disposal Services Ma­nagement.

Sa ipinalabas ni ­Mayor Belmonte na ­Executive Order no. 3 series of 2019, sinabi nitong kailangan ang pagbuo sa team upang matiyak ang implementasyon ng solid waste collection, clea­ning, at disposal sa QC.

Ang task force ang siyang mangangasiwa sa collection at transport ng solid wastes gayundin ang collection maintenance at continuity sa lunsod.

Makikipag-ugnayan din ang grupo sa national agencies at mga barangay para sa implementyasyon ng solid waste collection and management at magre­rekomenda ng service providers para sa disposal services sa lunsod.

Ang Secretary to the Mayor ang chairman ng Task Force on Solid Waste Collection at vice chairperson ng Environment Protection and Waste Management Department .

Miyembro naman ng task force ang mga pinuno ng Barangay and Community Relations Department, Market Development and Admi­nistration Department, at Business Permits and Licensing Department.

Ang Secretary to the Mayor din ang susubaybayan sa action team na magsisilbing implementing arm ng task group.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with