Ito ang banta ni Dela Rosa matapos na maglabas ng resolus­yon ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglala­yon na imbestigahan ang mga pagpatay kaugnay sa sa kontro­bersyal na drug war ni Pangulong Duterte.
File
Kapag ang EJK ay utos ng gobyerno... Sen. Bato magpapapugot ng ulo
Malou Escudero, Gemma Garcia (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa sandali anyang mapatunayan na ang mga nangyayaring extrajudicial killings (EJK) sa bansa ay dahil sa drug war ng administrasyong Duterte ay handa umanong magpapugot ng ulo si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang banta ni Dela Rosa matapos na maglabas ng resolus­yon ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) na naglala­yon na imbestigahan ang mga pagpatay kaugnay sa sa kontro­bersyal na drug war ni Pangulong Duterte.

“I will have my head cut off if this is state-sponsored... you come here and cut my head off if this is state-sponsored, ‘yung alleged EJKs na sinasabi ninyo,” ayon kay Dela Rosa sa ginanap na press briefing sa Camp Crame.

Paliwanag pa ng da­ting PNP Chief, na kung hindi nakinabang ang bansa sa war on drugs ay hindi sana siya naihalal  bilang senador nitong nagdaang eleksyon.

“Kung talagang masama ang war on drugs ng Pilipinas, bakit ninyo ako pinapanalo na senador? Ginawa ninyo akong number five. Ganon lang... Kung masama talaga ang ginagawa namin, if you claim that I am the face of the war on drugs, bakit ninyo ko pinapanalo?” giit pa ni Dela Rosa.

Matatandaan na si Dela Rosa ang nagpatupad ng kampanya laban sa illegal na droga na nagsimula noong 2016.

Sinopla naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang UNHRC  kaugnay sa ipinasang resolusyon upang im­bestigahan ang mga pagpatay sa bansa dahil sa war on drugs.

Ayon kay Lacson na gumagana ang criminal justice system ng bansa at pinaparusahan ang mga nagkakasalang alagad ng batas.

Nakatitiyak si Lacson na hindi kailangan ng bansa ang pakikialam ng UNHRC sa gitna ng nangyayaring war on drugs.

EXTRAJUDICIAL KILLINGS RONALD DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with