Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang engkuwentro dakong ala-1:15 ng madaling araw sa Brgy. Anggad, Bangued, Abra ay nakatanggap ng intelligence report ang Abra Provincial Police Office (PPO) at 1504th Regional Monile Force Battalion( RMFB) na may grupo ng kalalakihan na may planong magsagawa ng pagpatay sa lugar. Kaya’t naglatag ng checkpoint ang mga otoridad hanggang sa napansin ang pagdating ng isang tricycle na kanilang pinatigil.
File
3 gunmen napatay sa checkpoint
Gemma Garcia (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang tatlong lalaki na umano ay mga miyembro ng gun for hire matapos na manlaban sa isang police checkpoint kahapon ng madaling araw sa Bangued, Abra.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang engkuwentro dakong ala-1:15 ng madaling araw sa Brgy. Anggad, Bangued,  Abra ay nakatanggap ng intelligence report ang Abra Provincial Police Office (PPO) at 1504th Regional Monile Force Battalion( RMFB) na may grupo ng kalalakihan na may planong magsagawa ng pagpatay sa lugar. Kaya’t naglatag ng checkpoint ang mga otoridad hanggang sa napansin ang pagdating ng isang tricycle na kanilang pinatigil.

Subalit, sa halip na tumigil para sa siyasatin ay pinaharurot ng driver ang tricycle kaya’t ito ay hinabol hanggang sa makorner at umano ay pinasusuko.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng mga suspek ang mga  pulis na gumanti ng putok hanggang sa napatay ang mga ito. Inaalam ng pulisya kung sinong personalidad ang balak na itumba ng mga suspek.

CHECKPOINT GUNMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with