Ito ang siniguro kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing dahil walang sisinuhin at sasantuhin ang Pangulo sa paglilinis sa Customs mula sa mga tiwaling opis­yal at empleyado nito.
File
Duterte tatanggalin ang mga BOC officials at kawani na sangkot sa katiwalian
Rudy Andal (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa katiwalian lalo sa illegal drugs at rice smuggling na tanggalin sa puwesto at kasuhan.

Ito ang siniguro kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media briefing dahil walang sisinuhin at sasantuhin ang Pangulo sa paglilinis sa Customs mula sa mga tiwaling opis­yal at empleyado nito.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasunod ng umano’y P1 billion Tapioca-Shabu cover-up sa BOC.

Magugunitang ibinulgar ni dating Customs spokesperson Atty. Erastus Sandino Austria na ang anggulong entrapment operation na iginigiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa P1 billion halaga ng shabu na nakumpiska sa isang warehouse sa Malabon City ay “fabricated” o gawa-gawa lamang.

 Inihayag ni Atty.  Austria na dati ring district collector sa Manila International Container Port (MICP), walang katotohanan ang claim ng PDEA na “controlled delivery” ang ginawa ng ahensya para lumutang ang mga sindikato ng droga kapag sumali sa public bidding.

Batay sa report, aabot sa 146 kilos ng shabu ang narekober sa Goldwin Commercial warehouse sa Malabon nitong Mayo na ayon kay PDEA director general Aaron Aquino ay mula sa Golden Triangle syndicate.

BUREAU OF CUSTOMS CORRUPTION RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with