Mayor Joy B handang kolektahin ang ‘green fund’
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-utos ang Commission on Audit sa Quezon City local government na kolektahin na ang P316 milyon plastic bag taxes mula sa retailers ng lungsod dahil ito ay public fund.

Agad na tumugon si QC Mayor Joy Belmonte na handa nilang kolektahin ang tinaguriang Green Fund mula sa mga retai-lers sa lungsod.

Kaya’t hinikayat ni Belmonte ang QC Council sa pangunguna ni QC Vice Mayor Gian Sotto na amyendahan ang SP 2350 o ang Environment Protection and Waste Management Code ng QC upang maaksiyunan ang agarang pagkolekta at pag-audit sa naturang pondo.

Noong 2012, naipatupad ng QC government ang Ordinance No. SP-2140, o ang  Plastic Bag Reduction Ordinance para sa pagkakaroon ng Plastic Reco-very System Fee (PRSF)  o “green fund” na gagamitin ng lokal na pamahalaan sa pro-environ­ment programs ng lungsod.

Ang probisyon nito ay kaugnay ng City Ordinance No. SP-2350, o ang Quezon City Environment Code na naipatupad noong 2014.

Sa ilalim ng PRSF, ang mga supermarkets, department stores, grocery stores, fast-food chains at pharmacies ay pagbabayarin ng P2 kada plastic bag na maibebenta sa kanilang customers.

Layon ng QC Council  sa pagkakaroon ng  Green Fund na matuto ang mga consumers na iwasan na ang paggamit ng plastic at gamitin na lamang ay mga  eco-bags sa pamimili sa mga establisimiento.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with