Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Martes nang marekober ang bangkay ng biktima habang lumulutang matapos na anurin at mapadpad sa Pampanga River.
File
Paslit ginahasa, itinapon sa ilog ng tiyo
Joy Cantos (Pang-masa) - July 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalunod sa ilog ang isang 5-anyos na batang babae nang ihagis ng tiyuhin matapos ang ginawang panggagahasa sa kanya kamakalawa sa Brgy. San Miguel, Ca­lumpit, Bulacan.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Neneng. Habang nadakip ang tiyuhin nitong si Marvin Mengulio, 23, residente ng Purok 2, Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Martes nang marekober ang bangkay ng biktima habang lumulutang matapos na anurin at mapadpad sa Pampanga River.

Nagsagawa ng im-bestigasyon ang pulisya na kung saan ay nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen na may nawawalang batang babae sa bayan ng Calumpit na hinahanap ng pamilya.

Habang nag-iimbestiga ang SOCO Team sa pamilya ng biktima kung paano nangyari ang pagkawala ng bata ay agad na umamin ang suspek na ginahasa niya ang pamangkin bago itinapon sa ilog.

Sa salaysay ng suspek na habang natutulog ang pamangkin ay binuhat niya ito at dinala sa tabi ng ilog at hinalay.

Nang magising ang biktima ay nag-iiyak ito ng malakas na ikinairita ng suspek kaya’t inihagis sa ilog hanggang sa malunod.

Sa testimonya ng ina ng biktima, tatlong taon pa lamang ang kanilang anak nang molestiyahin ng suspek, pero hindi nila ito inireport sa pulisya bunga ng kahihiyan.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with