Nene ni-rape ni tiyo, dedo
Joy Cantos (Pang-masa) - July 10, 2019 - 12:00am

Ari wasak, bituka lumuwa…

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 5-anyos na nene matapos masawi sa brutal na panghahalay ng sariling tiyuhin sa Purok 17, Polinar Village, Brgy. Hagkol, Valencia City, Bukidnon, ayon sa ulat kahapon.

Dahil sa matinding pagdurugo sa kaselanan na halos lumuwa pa ang bituka, dead-on-arrival ang walang kamuwang-muwang na biktima na itinago sa pangalang “Jovelyn”.

Agad namang naaresto sa isinagawang follow up operation ng mga pulis ang suspek na tiyuhin ng bata na si Mike Tinoy alyas “MacMac” Canoy.

Sa ulat ng Bukidnon Police, dakong alas-8:00 ng umaga nitong Lunes nang i-report sa pulisya ng isang concerned citizen ang panghahalay sa batang si Jovelyn ng suspek.

Base sa imbestigasyon, noong Huwebes dakong alas-7:00 ng gabi ay nag-away ang mga magulang ng bata kaya kinuha ng suspek ang bata at dinala sa kanyang bahay upang doon patulugin.

Dito ay sinamantala ng suspek ang pagkakataon upang halayin ang walang kalaban-labang paslit na dahil sa matinding pagdurugo ng ari at halos lumuwa pa ang bituka ay isinugod sa pagamutan pero idineklara ring dead-on-arrival.

Himas-rehas na nga­yon ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with