Nakasaad sa pinalabas na executive order ni Belmonte, kailangan na mapalakas ang CDC upang higit itong maging epektibong institusyon sa pagkakaroon ng direksiyon para sa economic at social development at magkaroon ng maayos na ugnayan sa local level.
Boy Santos
Mayor Joy bumuo ng City Development Council
Angie dela Cruz (Pang-masa) - July 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para umano higit pang mapalakas ang koordinasyon at ugnayan ng lokal na pamahalaan, ng barangay at NGO’s ay binuno ni QC Mayor Joy Belmonte ang City Development Council (CDC).

Nakasaad sa pinalabas na executive order ni Belmonte, kailangan na mapalakas ang CDC upang higit itong maging epektibong institusyon sa pagkakaroon ng direksiyon para sa economic at social development at magkaroon ng maayos na ugnayan sa local level.

Nakaatang sa CDC ang pagbuo ng long term, medium term, at annual socio-econo­mic development plans at policies; pagbuo ng medium term at annual investment program; at pag prioritize sa socio-economic development programs at  projects sa lunsod.

Ang CDC din ang bubuo ng local investment incentives para matiyak ang mahusay na direksiyon ng private investment capital; makikipag coordinate, magmomonitor, at sasala sa ipinatutupad na deve­lopment programs.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with