Senate secretary pinaiimbestigahan sa Civil Service Commission
(Pang-masa) - July 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa hindi umano pag-aksyon sa kahilingan ng kolumnistang si Dave Veridiano, ukol sa dagdag na impormasyon sa 2019 national budget na noon ay pinag-uusapan  pa sa Senado para sa karagdagang impormasyon ay maaaring mapatawan ng sanctions ng Civil Service Commission (CSC) ang sekretarya ng Senado na si Myra Villarica.

Pormal na hiniling ni National Press Club (NPC) President Rolando Gonzalo kay CSC chairperson Alicia Bala na magsagawa ng imbestigasyon sa posib­leng paglabag ni Villarica sa Freedom of Information (FOI) law at sa Code and Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713). 

Kung lumabas na guilty si Villarica sa pag-upo sa hiling ni Veridiano ay mahaharap sa administrative disciplinary action, tulad ng pagbabayad ng fines, suspension at maging pagkatanggal sa trabaho, depende sa tindi ng kanyang paglabag sa batas ayon sa imbestigasyon na gagawin.

Unang sumulat si Veridiano kay Villarica noong February 26, 2019 na humihiling ng karagdagang impormasyon sa mga ­‘institutional amendments’ na ginawa ng mga senador sa 2019 national budget, subalit hindi ito umano umaksyon.

CIVIL SERVICE COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with