^

Police Metro

Mag-ina dedo sa motor

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mag-ina na ang­­kas sa motorsiklo ang nasawi matapos ang sinasakyan nilang motorsiklo na minamaneho ng padre de pamilya ay nasalpok ng isang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Purok 7, Barangay Poblacion, Carmen, North Cotabato.

Ang mag-inang nasawi ay kinilalang sina Villanora Librando, 46 at ang anak nitong si Bernadette, 10, kapwa residente ng Purok 3, Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente alas-6:50 ng gabi ay minamaneho ng mister na si Jimmy ang motorsiklo at angkas ang kanyang mag-ina at binabaybay ang kalye ng Everlasting nang banggain ng isang motorsiklo na hindi umano naka-headlight.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumila­pon ang mag-ina na kung saan ay namatay noon din si Villanora habang ang anak ay namatay habang ginagamot sa ospital.

vuukle comment

VILLANORA LIBRANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with