BOC, BIR at DPWH nangunguna sa katiwalian
Rudy Andal (Pang-masa) - June 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na nangunguna sa katiwalian batay sa reklamo na kanilang natatanggap ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue, at Department of Public Works and Highways.

Idinagdag pa ni Comm. Belgica, sa mga opisyal naman ng gobyerno na nakasuhan, napasuspinde at napaaresto ng PACC ay mula secretary, undersecretary, director, district engineer, at maging mga prosecutor na hindi nito pinangalanan dahil naka-pending pa ang mga kasong kriminal laban sa kanila sa Ombudsman.

Binigyang-diin ni Belgica na maging ang ilang mga opisyal ng gobyerno na malalapit kay Pangulong Duterte ay hindi ligtas sa kanilang imbestigasyon at pagpanagot sa batas dahil walang sinisino ang kanilang mandato kahit gaano pa man kalapit ang relasyon nito sa Pangulo.

GRECO BELGICA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with