^

Police Metro

9 estudyante sugatan sa gumuhong covered court

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang siyam na estudyante makaraang aksidenteng gumuho ang covered court ng kanilang eskuwelahan sa Brgy. Sinubong, Zamboanga City, kahapon ng umaga.

Ang mga nasugatang biktima ay kinilalang sina Mikyla Martinez, 14; Jenelyn Ebag, 15; Shaina dela Cerna, 19; Reyselin Cruz, 16; Jubilee Soler, 15;  Rica May Busmeon, 15; Mica Macaso, 16; Joy Mae Impen,15; at Radzmea Jainal, 15; pawang mga Grade VII at IX student ng Labuan National High School.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang aksidente dakong alas-8:30 ng umaga ay kasaluku­yang nagkla-klase sa covered court ang mga estudyante sa pangunguna ng guro nilang si Ms. Sherley Fonollera nang bigla na lamang umanong bumigay ang covered court na ikinasugat ng mga estudyante.

Nabatid na napuno ng tubig ang covered court dahilan sa mga pag-ulan sa lungsod nitong mga nakalipas na araw kung saan humina ang pundasyon nito kaya’t tuluyang bumagsak.

vuukle comment

COVERED COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with