^

Police Metro

Wanted na NPA opisyal, kasama napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga tauhan ng pulisya at militar ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) at isang kasama na kapwa wanted na kriminal  nang  pu­malag sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Laak, Compostela Valley kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jay Mendoza alyas Pogs, deputy secretary ng NPA Guerilla Front 2, Sub-Regional Committee 2 ng Southern Mindanao at miyembro ng ­Executive Committee ng NPA at ang kasamang wanted na kriminal na tinukoy lamang sa alyas na Ondoy na nasa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat ni 1st Lt. Amadeuz VJ Celestial, Civil Military Officer (CMO) ng Army’s 60th Infantry Battalion (IB), dakong alas-6:00 ng gabi nang makaengkuwentro nang pinagsanib na puwersa ng Laak Municipal Police Station (MPS) at Army’s 60thInfantry Battalion sina Mendoza at Ondoy sa nasabing bayan.

Nabatid na isisilbi sana ng mga otoridad ang apat na warrant of arrest sa mga kasong murder, double murder with double frustrated murder, robbery in band at serious illegal detention laban kay Mendoza nang paputukan umano nito ang mga una.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad at napatay ang dalawang suspek na kapwa armado ng dalawang kalibre .45 baril, isang uzi sub-machine gun, isang granada, at mga sangkap sa paggawa ng bomba.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with