^

Police Metro

Joy B pinasalamatan ang city council

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni incoming QC Mayor Joy Belmonte ang mga konsehal na bumubuo sa 20th City Council dahil sa masigasig na pagtutulungan upang makapagpasa ng mga batas na magbibigay ng tulong at pag-angat sa buhay ng mga taga lunsod.

Sa inihayag ni Belmonte, sa kanyang Ulat sa Bayan na sa mga naipa­sang batas ng konseho ay pawang may malaking naiambag para sa kabutihan ng mga lungsod partikular ang batas sa health and sanitation, housing, education, kampanya laban sa illegal drugs at infrastructure.

Tiniyak din ni Belmonte na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay kasama ang lahat sa pag-unlad ng QC at ito ay mararamdaman ng bawat mamamayan ng lungsod.

“Nagpapasalamat ako sa inyong lahat na naging pamilya ko ng tatlong taon at ang iba ay anim na taon”, wika ni Belmonte .

Binati rin nito ang mga bagong konsehal na kasama na sa susunod na council na magpapayabong pa ng mga batas ng lungsod.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with