Ex-Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario
Ex-DFA chief pinigil sa Hong Kong 5 oras na kinuwestiyon ng immigration authorities...
Rudy Andal, Danilo Garcia (Pang-masa) - June 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinigilan kahapon ng Hong Kong authorities na makapasok sa kanilang bansa si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, isa sa nagsampa ng kasong “crimes against humanity” laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa mga aktibidad ng naturang bansa sa South China Sea.  

Si Del Rosario, na nangunang nagsampa ng kaso at nagpanalo laban sa China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo ng karagatan ay hindi pinayagan ng Chinese administrative region na manatili sa bansa na kung saan siya ay halos limang oras na kinuwestiyon ng immigration officials bago pinabalik sa Pilipinas.

Sa panig ni Del Rosario, mistulang siya ay piniit ng mga Hong Kong immigration officials ng limang oras gayung kaya siya nagpunta ng Hong Kong ay mayroon siyang ka-business meeting.

Itinanggi naman ni Philippine Consul Ge­neral Antonio Morales na inilagay sa isang “hol­ding area” si Del Rosario na parang normal na biyahero lamang at nagtatagal ang usad sa immigration.

Idinagdag pa niya na una na silang sumulat sa Hong Kong immigration na nagpapasabi ng pagdating ni Del Rosario sa bansa at gagamit ng “special lane” ngunit wala silang tugon.

Una nang nakaranas ng sinasabing harassment si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi rin pinayagang makapasok sa Hong Kong nitong nakaraang Mayo. Ang dalawa ay ang nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping ng “crimes against humanity”.

Iginiit naman kahapon ng Malacañang na wala sa posisyon ang Pilipinas para kuwestiyunin ang naging hakbang ng Hong Kong immigration para harangin sa kanilang teritoryo si Del Rosario.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa hurisdiksyon ng HK authorities kung ayaw nitong papasukin ang isang dayuhan sa kanilang teritoryo matapos na hindi na pigilin ang dating DFA chief sa Hong kong at i-hold sa loob ng 5 oras sa airport.

ALBERT DEL ROSARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with