^

Police Metro

14 opisyal ng DOJ pinuna ng COA sa dami ng biyahe

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang maraming naging biyahe at malaking halaga na ginastos ng 14 opisyal ng  Department of Justice (DOJ) noong nakaraang taon.

Batay sa inilabas na 2018 audit report na napuna rin ng COA na ang mga opisyal na binigyan ng travel allowance ay bigong magpakita ng kaukulang dokumento sa mga ginastos nila na karamihan sa mga events at meetings ay sa ibang bansa ginagawa na dina­luhan din ng iisang parti­cipants.

Napansin din ng COA na binili ng DOJ ang tiket sa iisang travel agency at gumastos din sila sa tiket ng halagang P1-milyon ng walang kasunduan sa pagitan nito at ng Procurement Service-Department-Budget Management Government Fares Agreement.

Gumastos din umano ang DOJ ng P5,550,149.44 para sa 23 klase ng meetings para sa isang dialog kung saan lima sa parti­cipants ay pinadala roon.

Sa kabilang banda mayroong P771,643.30 na gastos ang hindi nasuportahan ng mga resibo at iba pang dokumento para sa liquidation.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with