^

Police Metro

Krimen bumaba ng 10%-PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumaba ng 10% ang kriminalidad sa bansa bunga ng pinaigting na drug war ng pamahalaan. Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Police Colonel Bernard Banac sa PNP Press Corps.

Ayon kay Banac, nakapagtala ang PNP ng 38, 000 iba’t-ibang uri ng kriminalidad mula Enero hanggang Mayo ng taong ito kumpara sa nairekord na 42,000 noong 2019 sa kaparehong period. Sinabi ni Banac na kabilang sa mga bu­maba ay lahat ng aspeto ng krimen tulad ng rape, homicide, murder, physical injuries na kabilang sa index crimes; at iba pa na mga non-index crimes tulad ng fraud, counterfeiting saka marami pang iba.

Kaugnay nito, posi­tibo naman si Banac na makakaya ng PNP na malinis ang mga barangay na apektado ng illegal na droga na aabot pa sa mahigit 20,810 bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with