^

Police Metro

Dayuhan arestado sa ‘Black Dollar’ scam

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaking Cameroonian makaraang lokohin ang isang negos­yante at tangayan ito ng nasa P12-milyon halaga ng pera sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-6:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek na si Serge Michael, 35-taong gulang, sa isang hotel sa Brgy. Urdaneta, ng naturang lungsod.

Ang pag-aresto ay makaraang ireklamo si Michael ng isang 47-anyos na biktima na tumangging magpapangalan.  Ayon sa biktima, inalok siya ng suspek na mag-invest ng P12-milyon sa operasyon ng kanilang grupo para maglinis ng bulto-bultong “dyed US dollar bills” na nagkakahalaga ng P250-milyon.

Ayon sa pulisya, ina­alok ng sindikato ang ka­nilang biktima sa naturang modus kung saan sinasabi nila na nilalagyan ng dye ang mga dolyares na ipinapasok sa Pilipinas para hindi matukoy ng mga otoridad sa mga security check sa paliparan.

Bibili ang biktima ng mga kinakailangang kemikal na mag-aalis sa dye na hindi nasisira ang pera kapalit ng malaking halaga na parte nila.

Makaraang ibigay ang naturang halaga, nanghingi pa umano si Michael ng dagdag na P500,000. Dito nakahalata ang biktima na niloloko na siya ng dayuhan kaya humingi na ng tulong sa Makati City Police-Criminal Investigation Division na nagkasa ng entrapment ope­ration.

Nakaditine na ang suspek sa Makati City Police-Central Station habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa laban sa kanya.

vuukle comment

SERGE MICHAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with