Sa ulat, alas-11:50 ng umaga nang agad dakipin si Minalang matapos makabili ng droga sa kanya ang pulis na tumayong buyer.
File
8 tiklo sa P8-M shabu
Mer Layson, Gary Bernardo, Danilo Garcia (Pang-masa) - June 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Timbog ang walong mga bigtime ‘tulak’ ng droga kabilang ang tatlong sinasabing miyembro ng “Boratong Drug Syndicate” at isang biyuda na high value target (HVT) ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust ope­ration kasunod ng pakakakumpiska ng shabu na aabot sa P8-milyon ang halaga, ayon sa ulat.

Himas-rehas na ngayon ang 40-an­yos na biyuda na si Jamilah Mina­lang, matapos masakote sa buy-bust ope­ration sa tahanan nito sa 305 Editha St., Sitio Josefa, Brgy. Malabanias, Martes ng tanghali.

Sa ulat, alas-11:50 ng umaga nang agad dakipin si Minalang matapos makabili ng droga sa kanya ang pulis na tumayong buyer.

Nakuha sa suspek ang nasa 380 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P1-milyon, drug pharaphernalias at dalawang P1000.00 marked money.

Arestado rin ng mga tauhan ng Navotas City Police kahapon ng ma­daling araw sina Michael Bonzon, alyas “Barok”, 47; Marissa De Guzman, 39, John Paolo Cubos, 21 at Jojo Delos Reyes, 24, pawang residente ng Brgy. North Bay, Boulevard North ng naturang lungsod, matapos makasokte sa buy-bust operation at makumpiskahan ng nasa 60 gramo ng shabu na may street value na P228,000.

Sa Mandaluyong City, naaresto naman ang tatlong miyembro umano ng “Boratong Drug Syndicate” na sina Raihana Pontino, 37; Aliola Sultan, 24 at Jassir Panggaga, 23, kapwa tubong Marawi City.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng hatinggabi kamakalawa nang ikasa ang operasyon laban sa tatlo sa may Shaw Blvd. ng naturang lungsod kung saan nakumpiska mula sa kanila ang limang plastic bag na may tig-100 gramo na ibinenta sa poseur buyer sa halagang P800,000; 10 plastic pack na may lamang tig-50 gramo; cash na nagkakahalaga ng P800,000, at isang silver gray na Toyota Revo (XGP 331) na ginamit sa pang-deliver ng droga. 

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with