^

Police Metro

Cayetano at Romualdez angat sa Speakership

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Anakalusugan Partylist na sa pagitan lamang umano nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang angat para ma­ging susunod na House Speaker.

Ayon sa grupo, hindi isang On the Job Training (OJT) ang pagiging House Speaker dahil sa umpisa pa lamang ay dapat taglay na ng kumakandidatong Speaker­ ang katangian ng isang magaling na lider, pangunahin na rito ang may sapat na experience at competence.

Ilang political analyst naman ang aminadong mahihirapan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na mahirang na House Speaker sa katwirang hindi pa ma­lawak ang karanasan nito bilang mambabatas at kahinaan din umanong maituturing na hindi ito kilala sa mismong loob at labas ng House of Representatives na hindi rin umano ito nagpartisipa o nanguna sa mga diskusyon sa ilang mahahalagang isyu ng bansa.

Una nang sinabi ni UP Professor Ranjit Rye na krusyal sa Duterte Administration ang nalalabing 3 taong termino kaya makatutulong ng malaki kung ang mahihirang na House Speaker ay sanggang dikit ni Pa­ngulong Duterte na mayroon nang magandang working relationship sa Pangulo at umpisa pa lamang ay alam na ang hangad at prayoridad na legislative measures.

Sa tatlong pinagpipilian na maging House Speaker ay si Cayetano ang pinakakuwalipikado dahil na rin sa lawak ng karanasan nito bilang kongresista, senador, cabinet member at naging ka-tandem pa ng pangulo sa 2016 presidential election kumpara umano kina Velasco at Romualdez.

vuukle comment

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with