^

Police Metro

Rehab reform center bubuksan sa Pasig City

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang buksan ng local goverment ng Pasig City ang kanilang sariling drug rehabilitation and reform center para sa mga pasyente.

Sinabi ni outgoing Pasig City Mayor Bobby Eusebio, ang proyekto ay upang maipagpatuloy ang kampanya ng Duterte administration sa anti-illegal drug campaign.

Ang nasabing reform center ay tinawag na Bahay Reporma na may tatlong palapag na matatagpuan sa Barangay San Miguel, Pasig City na tatlong kilometro lamang ang layo sa Pasig City Hall.

 Ang naturang rehab center ay may 150 na kama na handang mag-alok ng medical at psychotherapy services sa indibidwal na dumaranas ng sakit sa alcoholism at non-substance dependence.

Ayon pa kay Mayor Eusebio ang nasabing pasilidad ay may sapat na lawak ng lugar na ligtas, mahusay at epektibo na magbigay ng health service para sa pasyente na kung saan ang residente ng Pasig City ang pangunahing prayoridad.

May hiwalay din na tuluyan na quarters para sa mga pasyententg babae at lalaki, may bathrooms, counselling at testing rooms, at emergency clinic.

Idinagdag pa ni Eusebio, may pagbaba umano ng bilang ng mga Pasigueños na gumagamit ng ilegal na droga base sa limang (5) taon data mula sa Anti-Drug Council ng Pasig (ADCOP) at ng Pasig City Health Office.

Kinilala ng DILG ang ADCOP na nangungunang programa nitong nakalipas na 2016 at 2017 laban sa illegal drugs.

vuukle comment

ILLEGAL DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with