^

Police Metro

ROTC tiyak nang papasa sa 18th Congress

Malou Escudero - Pang-masa
ROTC tiyak nang papasa sa 18th Congress
Ayon pa kay Gat-­ c­halian, pangunahing otor ng panukala, malaki ang maitutulong ng ROTC para magkaroon ng military skills at maging handa tuwing may kalamidad ang mga kabataan.
Army Reserve Command Facebook page

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian na papasa at mabilis na mai­lulusot sa 18th Congress ang panukalang batas na naglalayong buhayin at gawing mandatory ang Reserve Officers’ Trai­ning Corps (ROTC).

Inaasahan naman na muling ihahain sa susunod na Kongreso ang panukalang batas na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero hindi nakapasa dahil sa kakula­ngan sa oras.

Ang pag-sertipika ng Pangulo sa panukala ay nangangahulugan na nais niyang maging parte ito ng kanyang polisiya at dapat pahalagahan ng Senado.

Naniniwala si Gatcha­lian na mas mapapabilis sa susunod na Kongreso ang talakayan sa dalawang kapulungan ng Kongreso. 

Ayon pa kay Gat-­ c­halian, pangunahing otor ng panukala, malaki ang maitutulong ng ROTC para magkaroon ng military skills at maging handa tuwing may kalamidad ang mga kabataan.

Kung magiging batas, ipatutupad ang ROTC sa mga estudyante sa Grade 11 at 12.

vuukle comment

RESERVE OFFICERS’ TRAI­NING CORPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with