9K pulis idedeploy sa SONA
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 9,000 pulis ang idedeploy kaugnay nang isasagawang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 22 ng taong ito.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief P/General Oscar Albayalde upang tiyakin ang matiwasay at mapayapang SONA ng punong ehekutibo.
Upang tiyakin din ang kahandaan ng kapulisan sa “crowd control” at seguridad sa SONA ay nagsagawa na rin ng Civil Disturbance Management (CDM) competition kung saan kasama sa pagsasanay ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Maliban sa CDM personnel ay tutulong din sa pangangalaga sa seguridad ang mga himpilan ng pulisya na kalapit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) tulad ng Police Regional Office (PRO) 3, PRO IV at maging ang elite units ng Special Action Force (SAF).
- Latest