Guro nasawi sa Brigada Eskwela
Mer Layson (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil umano sa sobrang kapaguran sa pag­lilinis ng silid-aralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) ay nasawi ang isang guro ma­tapos maputukan ng ugat sa kanyang ulo.

Kaya umaapela ng tulong ang pamilya ni Minerva Rusia Aberia, 59, grade 6 English teacher ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila.

Nabatid na bago nasawi si Minerva nitong Hunyo 13, 2019 ay naratay muna ito ng mahigit tatlong linggo sa ospital kayat umaabot na sa kalahating milyon ang nagagastos ng pamilya at may natitira pang hospital bill na umaabot naman sa P400,000.

Kasalukuyan pang na­ka-burol sa Sta. Cruz Chapel sa Pinoy St., Balut Tondo Maynila si Minerva at wala pang nakatakdang araw ang libing.

Isang mahusay, ma­bait, matulungin at masipag na guro si Minerva at kahit anong trabaho ang ibigay sa kanya ay wala itong reklamo sa halip ay ginagampanan nito ng bu­ong husay na may pagma­mahal sa paaralan at kanyang mga estudyante.

Mahigit sa tatlong de­kada ng nagtuturo sa public school si Minerva at sa pagtatapos sana ng school year 2019-2020 ay magreretiro na ito.

Umaasa ang pamilya ni Minerva na tutulungan sila ng Deped na unang nangako sa kanila.

DEPARTMENT OF EDUCATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with