2 sakay ng motor patay sa bangga
Mer Layson (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi matapos na masalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo ng isang dump truck sa Antipolo City, Rizal, kahapon ng mada­ling araw.

Ang dalawang biktima na namatay noon din ay nakilalang sina Vladimir Galvez at angkas nitong si Ryan Haropohop.

Agad namang naaresto ang driver ng dump truck na si Charlie Pating.

Sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling araw ay minamaneho ni Galvez ang Sky Go motorcycle angkas si Haropohop at binabaybay ang kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Cabading, Brgy. San Jose patungo sana sa Bosoboso.

Pagsapit ng motorsiklo sa pakurbang bahagi ng kalsada ay nasalubong nito ang dump truck ni Pating at nasalpok ito.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawang biktima na kapwa nalagutan ng hi­ninga.

VLADIMIR GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with