Sen. Go isusulong ang dagdag suweldo ng mga guro
(Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Prayoridad ni Senator-elect Bong Go na isulong ang pagtaas ng suweldo ng mga public school teachers­ at iba pang kawani ng gobyerno sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa susunod na buwan.

Ayon kay Go, dapat lamang na alagaan ang mga government workers upang hindi lumipat sa pribadong sector na nag-aalok ng mas mataas na suweldo.

Aminado ang senador­ na mababa ang suweldo­ ng mga government workers­ kumpara sa mga emple­yado ng mga mauunlad na bansa.

Aniya, ang mababang sahod ang isa sa dahilan kung kaya may ilang empleyado ang nagnene­gosyo ng mga kakanin o pahulugan sa kanilang pinapasukang tanggapan para madagdagan ang ka­nilang kinikita.

Bukod sa pagsulong ng dagdag suweldo sa mga guro ay magbabalangkas din ito ng mga batas para sa kapakanan OFWs, senior citizens, pangkalusugan at pabahay.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with