^

Police Metro

Bagitong parak, nag-suicide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang sadyang tinapos ng isang bagitong pulis ang kanyang buhay nang matagpuan itong patay na may tama ng isang bala sa dibdibsa Brgy. Mabini, Escalante City, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Richard Villasis, 26-anyos, binata, residente ng Brgy. Jaena Norte, Jamindan, Capiz .

Sa ulat ng Negros Occidental Police, bandang alas-4:20 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kuwarto nito sa kanilang detachment sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuan ni Police Staff Sergeant Romel Aguilar na duguang nakahandusay sa kanyang kama na may tama ng bala sa kanyang dibdib.

Samantalang ang service firearm ng biktima na isang cal. 45 pistol na ibinalot sa isang tuwalya ay natagpuan naman sa ibaba ng kama nito.

Sa inisyal na im­bestigasyon, nag-suicide umano ang biktima kung saan binalot nito sa tuwalya ang kanyang armas upang hindi lumikha ng ingay ang kaniyang baril na ipinutok nito sa kaniyang dibdib at naglagos sa kaniyang likuran kung saan dead-on-the-spot ito sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may naganap na foul play.

vuukle comment

SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with