Magtatay sinalpok ng pickup, anak patay
Raymond Catindig (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinalpok ng isang pickup ang isang mag-ama habang sakay ng mo­torsiklo na kung saan ay nasawi ang anak nitong dalagita naganap kamakalawa sa Brgy. Lulutan, Ilagan City, Isabela.

Ang mag-amang biktima ay nakilalang sina Se­verino Zalun, 45; at anak nitong si Shariemae, 15 na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa grabeng natamong pinsala sa katawan.

Ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya ay nakilalang si Cesar Villanueva, 58, ng Brgy. Ma­lasin.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay minamaneho ni Severino ang kanyang motorsiklo at angkas si Shariemae para ihatid ito sa paaralan nang salpukin sila ng Mitsubishi Estrada pickup ni Villanueva.

Halos sampung metro nakaladkad ang mag-ama bago tumigil ang pickup.

PATAY ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with