‘Pusher’ dedo sa drug-bust
Danilo Garcia (Pang-masa) - June 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang ‘tulak’ ng iligal na droga ang nasawi nang ito umano ay nanlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ang nasawing  suspek ay kinilalang si Ramon Caparas, alyas “Monching”, 50, binata, tubong Bauan, Batangas at nakatira sa Road 3 L. Marcelo Street, Brgy. Ma­landay, ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya­, bago naganap ang shootout, dakong alas-7:39 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima ay nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa suspek.

Nang makabili ang pulis na nagpanggap na buyer ay nakahalata ang suspek na alagad ng batas ang ka-deal kaya’t nagbunot ng baril at pinaputukan.

Nakaiwas naman ang pulis at gumanti ng putok maging ang mga nakaantabay na kasamahan at na­patay ang suspek.

Narekober sa lugar ng krimen ang isang kalibre .38 na rebolber na baril na may tatlo pang live na bala, tatlong napaputok na cartridge, at isang slug, apat na cartridge ng iba pang baril, anim na plastic sachet ng pinatuyong marijuana, 10 plastic sachet ng shabu at P1,000 marked money.

DRUG BUST PUSHER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with