Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .22 rebolber, 4 na plastic sachet ng shabu, tatlong klase ng cellphone, at cash na P2,420.00
File Photo
6 holdaper nanlaban, todas
Gary Bernardo, Joy Cantos (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang anim na sinasabing mga miyembro ng isang robbery/holdap gang nang imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang mga ito sa magkahiwalay na checkpoint sa bayan ng Bacolor at Apalit, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Huwebes ng madaling araw.

Dakong alas-12:35 ng madaling araw, dead-on-the-spot sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Sta. Ines, sa Bacolor ang magkaangkas sa motorsiklo na sina Ariel Moguil, ng Mabalite Tadian, Mountain Province at Dexter Tinguey, 21, ng Bermuda Hills, Brgy. San Carlos, Baguio City, matapos makipagbarilan sa mga pulis kasunod ng report na natanggap ng presinto hinggil sa hinoldap ng mga ito na gasolinahan kung saan tinangay ang P5,000 kita ng gas station at isang cellphone.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 pistola, isang kalibre .22 rebolber, 4 na plastic sachet ng shabu, tatlong klase ng cellphone, at cash na P2,420.00

Sa bayan naman ng Apalit, dakong alas-4:45 ng ma­daling araw, nang mapatay ng mga pulis ang apat pang mga holdaper makaraang holdapin ang Alfamart Convenience Store sa Sitio Sampaga Branch, San Vicente.

Gayunman, patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga bumulagtang suspek na nakipagbarilan sa mga otoridad .

Sa ulat, sa halip na sumailalim sa checkpoint operation ang mga suspek na sakay ng isang puting Toyota Innova (NCF 409) ay pinaputukan ng mga ito ang mga alagad ng batas na humantong sa ilang minutong habulan at barilan na ikinasawi ng mga suspek.

Nakumpiska naman sa behikulo ng mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol at isang cal 9 MM at hindi pa batid na halaga ng pera na hinoldap ng mga suspek mula sa convenience store.

ROBBERY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with