Indonesian tiklo sa P9-M cocaine
Butch Quejada (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang Indonesian matapos mabuking ng mga otoridad ang dala nitong nasa 1.6-kilo ng pinaghihinalaang ‘cocaine’ na nakatago sa kanyang luggage makaraang dumating sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport, kahapon.

Himas-rehas na ngayon ang suspek na nakumpisakahan ng droga na may halagang nasa P9-milyon na si Agus Burhan, 62 taong gulang.

Si Burhan ay sakay ng Qatar Airways flight QR 932 na lumapag sa NAIA Terminal 3.

Nabatid na nakatago ang nasabing droga sa isang secret compartment ng bagahe ng suspek.

Samantala, itinanggi ni Burhan na sa kanya ang drogang nakum­piska, gayunman makiki­pag-tulungan umano ito para maituro at mahuli ang nagbigay sa kanya ng cocaine.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang nasabing dayuhan.

AGUS BURHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with